“Grado ko ang Magdidikta” — Spoken Word Poetry.
Pano ko nga ba ito sisimulan?
Ay teka alam ko nga pala, dito naman
ako magaling diba? ang magpabida sa harapan nila. gawing mataas ang mababa, at gawing dakila ang aking pangalan sa madla.
Henyo kung tawagin
Hinding-hindi kayo bibiguin,
lahat ng numero ay bubunuin
bumilib lang kayo sa akin,
Yan ang palagi niyong tingin.
Sobrang taas na daig pa ang alapaap,
walang mintis ang grado sa bawat pag kurap. Hindi lumiliban sa klase kahit anong iglap, lumalaban kahit mahirap
kahit walang tulog sa buong magdamag,
mapasa lang ang pasusulit nang hindi bumabagsak.
Palakpakan ang aking laging naririnig
hiyawang napakasarap sa pandinig
ngiti’y abot hanggang langit,
mga matang sa akin lang nakatitig
habang ang puso’y labis na pumipintig.
Ang sarap, ang saya, anong lasa?
Tamis ng tagumpay na sa aki’y nagdidikta. Papuring sa sobrang dami’y tambak-tambak na, hindi na nga sila kasya.
Tang*n* ang saya!
ako yung laging bida,
ako yung laging reyna,
ako yung laging nangunguna.
Ngunit minsan hindi pala ikaw ang laging mangunguna, darating ka pala sa puntong magiging pangalawa kana.
Sa puntong kaylangan mo nang ibigay ang korona.
At darating rin pala sa puntong hindi na ikaw ang magiging bida sa istorya.
tang*n*, hindi na pala ako masaya.
Nang minsang lumagapak, wala ni isa ang nagtangkang sumalo.
Nang minsang bumagsak,
wala ni isa ang nagpalakas ng loob ko.
Nang minsang manhina, hindi ko narinig ang boses niyo.
Ang hiyaw na hinahanap ko,
Mga salitang kaylangan ko,
mga taong tinalikuran ako,
Sa isang iglap lahat ay naglaho.
Tanga, pabaya, mga salitang hindi ko inasahang lalabas sa inyong bibig,
Mga salitang labis kong dinibdib.
Pagkakamaling hindi ko naman ibig.
Ganito naba ang basehan ng pagkatao?
Ano ba talaga ako sainyo?
Akala ko ba mahal niyo ako?
Hindi ako numero na pagmataas ay sinasamba niyo!
hindi niyo alam kung anong nararamdaman ko,
Lahat nang pinaghirapan ko biglang naglaho.
Nag-aral naman ako, ginawa ko naman lahat ng gusto niyo, Lahat ng pangarap na ibinato niyo…. ako, Ako ang sumalo.
Isa lang naman ang hinihiling ko.
suporta mula sainyo,
ngayong ako’y nanghihina at lugmok.
ngunit bakit parang ang hirap no’n ibigay? bakit imbis na gumaan ay mas lalong bumibigat?
bakit Ibinababa imbis na inaangat?
Nanghihina, nangungulila, ganito pala.
Ganito pala talaga.
Ngayon wala na akong halaga.
Ngayon alam ko na, nasusukat ang pagkatao kapag mataas ka,
Ngunit kapag nasa ibaba ka? mas maduni kapa sa basura,
at wala kanang kwenta.
Sana kaya kong mabuhay tulad ng iba,
Yung walang inaasahang ekspektasyon,
Yung hindi ako nakakaramdam ng presyon,
yung walang laging bumubulong,
yung hindi ko nararamdaman ang salitang “depresyon”.
Ngunit huli na, ayoko nang makarinig ng sasabihin ng iba.
gusto kong mabingi,
gusto kong pumikit,
at matulog ng mahimbing dahil ang sakit ay mananatiling sakit.
Wala na ang numerong tinitignan niyo,
Isa lang ang ibig sabihin nito,
wala na akong halaga bilang tao.
(P.S Ginawa ko po yung tula na’to para sa napabalitang Estudyanteng nagpakamatay, dahil hindi niya kinaya yung Pressure at Expectation na ibinibinigay sakanya ng society pagdating sa Pag-aaral.)