PHILIPPINE DIASPORA IN THE LENSES OF MARXISM by John Matthew Arabit

The two stories in Philippine Diaspora were entitled “Turban Legend” by R Zamora Linmark and “Waiting” by Ron Darvin. This two story focused about the struggles on complicated life of every Overseas Filipino Workers for the sake of money and better future for their family. But why did they refuse to live in their own country and they rather choose to live as slave in another country?received_327350988023804

The story of Turban Legend can trace the reason behind balik bayan boxes that remind us for having our colonial mentality. This is the cancerous disease of every Filipinos which until now we still don’t have any cure for it said by our hero writer named Jose Rizal. The symptoms are getting severe and it’s obvious now a day’s.

Capitalist causes a total blindness to our countrymen who still believing in Neoliberalism that we are weak, we are their little brown brothers who need a support and guidance to our older white brothers (Americans). For being a semi-feudal and semi-colonial country, our very rich and fertile land is very perfect spot for the Imperialist country like US and other European countries. Tied up with our backward systems and makes no choice but to sell our country men in other countries to survive without thinking the possibilities after.

The very touching story entitled “Waiting” intensifies the cancer mentality of Filipino workers and even professionals who have a degree to risk their present life for their future in a foreign country. The sad reality that there’s a number of people swallow their pride and let the getting serious brain drain problem in their own country in believing that progress are impossible in the Philippines so they choose to fight for their future in other country by surrendering their self in foreign slavery. But we can’t blame them because of the oppression of our bureaucrats in our “Elite Democracy” and these people are tired to patronize these elites so they choose those kind of decisions like Ma’am Isabel does.received_2180083478732575

Everything is political in any sense but in the story we can’t deny the fact that in our country abusing this kind of power is part of our norms where our parents to grandparents up to our ancestors are widely accepted because like what they say the system already own and control us. The unjust salary for Filipino laborers, the unsolved traffic over a century, the ideology of colonial mentality to make us believe that we’re inferior and they are the superior so let’s follow their track and let them guide us because we’re weak and morons. All of this is the effect of their evil plans to put our country in a developmental paralysis.FB_IMG_1512921153387

This kind of literary materials feed our souls more than our intellect. We can locate the differences and conflicts in our country reading this such writings and using the different lenses. I’m Matthew Arabit reminding you to look what you consume, because what you consume is what you are.

Vandal (A very short film) by Lee de Castro

This animation represents how oppressive social facts, like education, are. Students are forced to conform to educational curriculum that is mainly focused on academics – mathematics and sciences – that the ones who like arts, or other fields, chose to find outlets, like vandalism, to express themselves.

Special thanks to Kelly Lavastida and Djohanna Pia Salinas.

Sssshhhh by Caroline Anne Lu

Ilang beses na ba nating nasabihan ng hindi maganda ang ating kapwa?

Ilang beses na ba silang naging “topic” sa kwentuhan ng barkada?

At ilang beses na ba silang nag-panggap na “bingi” sa bawat hindi magagandang naririnig nila?
Sa tingin ko’y maraming beses na. Natural na sa atin ang mag-bigay ng opinyon patungkol sa isang tao na nahanapan natin ng mali o nagpa-mangha sa atin. Pero kadalasa’y nagbibigay tayo ng opinyon patungkol sa maling nagagawa ng ating kapwa. Dahil sabi nga nila;

“Maraming beses ka mang gumawa ng kabutihan, tatak pa rin sa iba ang iyong ginawang kamalian.”

Hindi naman masama ang magpahayag ng iyong damdamin o opinyon patungkol sa iba lalo na’t tayo ay nakatira sa isang demokratikong bansa. Pero may mga bagay na dapat gawin para maisakatuparan natin ang maayos na pagbibigay ng “judgement” na walang natatapakan at na-a-agrabyadong tao.

Una, alamin ang totoong dahilan at nangyari.

Huwag pairalin ang motto na “to see is to believe” sa pagbibigay ng opinyon sa maling nagawa ng isang tao. Alamin muna natin ang dahilan sa likod nito-ito ba’y hindi sinasadya o may dahilan talaga siya para gawin ito?

Halimbawa na lang ang nangyari sa kakilala kong si Veronica. Siya’y sumali sa isang beauty contest at nung question and answer portion na, dahil sa sobrang kaba at pressure, mali niyang nasabi ang kanyang sagot. Sa madaling salita, wrong grammar ang sagot niya. Tapos na ang contest nang malaman niyang mali ang kanyang nasabi at dahil madami ang nanood, hindi siya nakaiwas sa pangungutya ng ibang tao.

Pangalawa, kung magbibigay ng “judgement,” isaalang-alang ang kanyang mararamdaman at kung ano ang magiging epekto nito.

Natural na sa atin ang tahasang pagpapahayag ng ating saloobin pero hindi naman masama kung bibigyan muna natin ng paalala ang isang tao bago natin siya i-criticize. Simpleng pagpapaalala sa kanya na “Hindi naman sa galit ako sayo” o “Sinasabi ko ito dahil gusto kong itama ka kaya sana huwag kang magalit” ay malaking bagay para hindi ka niya ma-misunderstood at maintindihan kung bakit mo ginagawa iyon. Mas matutuwa pa nga siya’t may concern ka sa kanya kaya mo tinatama ang mali niya. Maganda rin ang pagbibigay ng paalala para kayo’y hindi magkaroon ng tampuhan na maaring maging lamat sa inyong pinagsamahan.

Pangatlo, hangga’t maari, i-diretso mismo sa tao at huwag nang i-kwento pa sa iba.

Ito ang alintuntuning maski ako ay nahihirapang sundin pero mas mabuti ngang sabihin na mismo sa iyong kaibigan o kapamilya ang maling kanyang nagawa kaysa sa i-kwento pa ito sa ibang tao. Makai-iwas ka pa sa gulo at pagkakaroon ng iba’t-ibang bersyon ng iyong kwento kapag nakarating na ito sa iba.

Kung tutuusin, hindi madaling sundin ang mga alintuntuning ito lalo na’t sanay tayong kinukwento sa iba ang kamalian ng ating kapwa pero mas makabubuti itong sundin para hindi ito magkaroon ng masamang epekto katulad nang nakasulat sa ibaba;

Una, takot nang ipahayag ang saloobin sa ibang tao.

Kagaya na lang sa nangyari sa aking kakilala na si Veronica. Dahil nga sa nakatanggap siya ng pangungutya galing sa ibang tao na hindi naman alam ang dahilan kung bakit siya nakagawa ng mali ay nahirapan na siyang ipahayag ang kanyang saloobin lalo na’t kapag ginagamitan ng wikang Ingles. Kahit tama naman ang kanyang sasabihin at construction of sentence, hindi niya parin mapigilang mag-dalawang isip na ito’y sabihin dahil baka ito’y mali at mapahiya na naman siya sa mga tao.

Imbis na kutyain siya dahil sa nagawa niya, sana man lang ay kinompronta na lamang nila si Veronica para siya’y itama. Minsan kasi, mas nauuna pa nating gamitin ang bibig bago pag-isipan ang ating gagawin.

Pangalawa, laging iniisip kung ano ang sasabihin ng iba sa bawat kilos na gagawin.

Dahil nga sa minsan na tayong naging “topic” ng kwentuhan at nakatanggap ng pang-aasar mula sa iba ay hindi na mawawala sa atin ang pag-iisip kung ano ang sasabihin nila sa bawat galaw natin. Para bang kailangan nating abutin ang standards nila kahit pa isinasaalang-alang na natin ang ating kasiyahan.

Lahat tayo’y naiiba. Kung para sayo ay biro lang, baka sa iba’y hindi. Mas mabuti nang mag-ingat sa pagbibigay ng “judgement” para tayo’y hindi makasakit. At para naman sa mga taong naging conscious na sa saloobin ng kapwa at nahihirapan nang ipahayag ang sarili sa iba, saludo ako sa inyo dahil hindi biro ang inyong pinagdadaanan. Pero ngayon, piliin mo naman ang iyong kasiyahan dahil kahit ano naman ang gawin mo, mabuti man o masama, may masasabi’t masasabi pa rin sila.

At sa inyong mga mambabasa, maraming salamat! Gusto ko mag-iwan sa inyo ng isang pangungusap.

Bato-bato sa langit, ang tamaan sapul!

‘MAGANDA NA SANA, NGUNIT…’ ni Marifher Cavan

IMG_2110
Nagbago na ang panahon
Maging ang tradisyon at kultura ay nakisabay
Nalimutan na natin kung ano ang tama sa mali
Mahirap na rin tukuyin kung ano ang tunay na maganda sa hindi
Hindi lang dapat basta kumukutitap sapat na
Dapat wala ring sulasok para ika’y makahinga
Di na alam ni Totoy ang pagtatapon sa tamang basurahan
Di rin dapat pwede na kung saan ka abutan ng tawag ng kalikasan
Ay tatalikod ka na lang at doon na iihi
Ito naming si Ineng kay simple na lang ng gawaing bahay 
Ang nais na lang ay mala-señoritang buhay na puro lang hayahay
May overpass sa itaas ngunit mas pinipiling makipagpatintero sa truck
May mata ngunit ayaw bigyang pansin ang mga babala
May kamay ngunit ayaw gamitin sa tama
May maayos na pandinig at tabas ng dila 
Ngunit may katangiang bubuyog din pala
Hay, bakit kaya ganon ano?
Kalian kaya tayo matututo?
Kalian kaya tayo kikilos nang tama at naayon?
Kalian kaya natin pipiliin ang hindi natin madalas na nakikita sa iba?


How to communicate? – John Vincent Rayo

How to communicate? There are a lots of ways to communicate or to socialize, its just on a way of how we communicate for them to understand us. One way is by having a result of focus on something we are doing, in other hand it gives us wise decision and makes us smart. That is called Intrapersonal communication, its simple as talking to yourself, but don’t be fooled your not wise or smart if you do this in public, you’ll be labeled as an A-hole in the eye of them.

Another way is a communication through the Mass Media. With the help of 21st century technology, there are lots and fastest way of communication, far or near. The thing is, Mass Media is communicating by giving information we ask for, sometimes updates about national news etc. Result of this, the percentage of people communicating physically dropped in a major way, while the misunderstandings on communication by the help of technology and Mass Media rose in a major way. Another thing is Mass Media is impotent in giving information that are much needed to see and hear by the public, causing us to be eaten by the nonsense type of pop culture.

Well, whatever your communicating, it is a must for us to give respect in order to earn their respect. Imagine people respecting each other, there’ll be no pain or corruption which will lead to world peace. Communication is a two way process, and each word means a lot, it can be a pillow or a gun, that is why whatever that you’ve read above, even this whole thing without respect, you will never have the true essence of why we communicate. Because the essence of communication is by having them to realize their mistakes and achievements in their lives.

Anak Tahan Na, Nandito Lang Ako by Djohanna Pia Salinas

Lumuluha ang aking mga mata,

Di mawari ng gulung- gulo kong isipan ang lahat,

Namamanhid na ang aking mga tuhod sa kakaluhod

At pauli ulit na inuusal ng mga labi ang mga dasal na labis kong minimithi

Anak tahan na, nandito lang ako.

 

Laging nalilito sa lahat ng bagay,

Kaliwa ba o kanan, saan ako tutungo?

Ang tama ay mali, ang mali ay tama, ano nga ba ang wasto?

Sabi niya ay ganito, sabi naman ng isa ay ito, ano nga ba ang totoo?

Anak tahan na, nandito lang ako.

 

Sa mga oras na laging nasa isang sulok,

Laging nag-iisa at ako ay natatakot

Patuloy ang pangangamba kung totoo bang tanggap ako ng tao sa paligid ko,

Kung walang nagmamahal sa akin, paano ko mamahalin ang sarili ko?

Paano ba magtiwala, maniwala, at saan ako magsisimula?

Anak tahan na, nandito lang ako.

 

Anak tahan na, nandito lang ako

Mahal na mahal kita

Kumapit ka lamang sa akin

Magtiwala ka.

Ito, ito ang mga salitang tinatak mo sa puso’t isipan ko.

Ang magtiwala sa lahat ng gagawin mo sa buhay ko.

Ang magtiwala na ang buhay ko ay gagawin mong bago.

 

At hindi mo ako binigo sa lahat ng pangako mo.

Binigyang kulay mo ang nagdidilim kong mundo

Binigyang kislap ang mga bituin sa kalangitang nilikha mo

Binigyan ng bagong direksyon ang gulong gulo kong buhay.

Pinakita ang tunay kong halaga sa mundong aking ginagalawan.

 

Pinaramdam ang tunay na pagmamahal na hindi kayang ibigay ng mundo sa akin

Pinaramdam na kahit talikuran, iwanan at pabayaan ako ng mundo

Hinding hindi ka mawawala sa tabi ko.

 

Kaya’t ang tulang ito ay inaalay ko sa iyo.

Handog ng pasasalamat sa lahat ng kabutihan at kadakilaan mo

Alam kong kulang, at hindi pa sasapat ang lahat ng letra sa alpabeto,

Ang lahat ng mga salitang alam ko para ilarawan ang pagmamahal mo.

 

Salamat, salamat sa iyo

Salamat sa lahat ng sakripisyo mo

Salamat sa pagiingat at paggabay mo.

Hindi ako karapat dapat pero ako ang pinili mo

Ako ay iningatan, pinagpala at alam kong marami kang dahilan.

Dahilan, kaya binigyan ako ng silbi at halaga sa buhay.

 

At dito na nagtatapos ang tulang ito,

Ngunit hindi dito matatapos ang paghahayag ko sa kabutihan,kadakilaan at pagmamahal mo

At alam kong hindi rin matatapos dito ang pagiingat mo

Patuloy ang pakikibaka, sa hirap man o ginhawa dahil alam kong kasama kita sa tuwi- tuwina.