“Ulan” ni Lora Mae Lopez

pic1 (2)

Bigla na lamang babagsak
Ang mga hindi inaasahang patak
Bigla nalang bubuhos
Hanggang sa maging dagat ang agos
Bigla na lamang titigil
Kung kailan ayaw mo na magpapigil
At bigla na lamang babalik
Kung kailan ayaw mo na makaramdam ng pitik
Para kang ulan
Hindi kita maintindihan
Hindi mawari kung kailan mo nais pumanhik
Hindi mawari kung ikaw pa ba ay babalik
Hindi mawari kung saan ba ang agos
Ngunit kahit ang damdami’y kapos
Ay patuloy paring nagpatianod
Kahit ako pa ay ‘yung malunod
Bukas palad kong tatanggapin
Pati malakas mong hangin
Kahit sakit na maari mong ipakain
Ay walang mintis kong yayakapin
Ngunit bigla ka nalang huminto
Kung kailan nais pa kita makasama bawat minuto
Biglang na lamang huminto ang hangin
Na nagsisilbing pakiramdam na ako’y mahal mo parin
Bigla nalang nakaramdam ng lamig
Sa sinasabi mong walang tigil na pag-ibig
Na ang dahilan na ng ulan
Ay ang pagpatak na ng luha sa aking unan
Ulang may kasamang hikbi
Na umaabot nang umaga hanggang gabi
Ulang titigil na lamang
Hanggang ang mata’y maging malamlam
Ngunit huwag kang mag alala
Paunti unti nalang ang patak nila
Hanggang sa maging ambon
At kaya na kitang ibaon
Kasabay ay sasalubungin kita ng ngiti
Dahil pagkatapos lagi ng ulan ay may bahaghari .

“EVERYONE MATTERS” by Angela Batangan

IMG_20180924_173557

Do you know your purpose in life? Do you know you are priceless in his eyes? Even though you have many sins and doubts on him. He is always there to give chances to change your bad attitudes. When you meet God, he will surely guide you at the beginning and the end of the day. In his eyes, you matter. Each and everyone have a purpose. We are created with a purpose. This purpose takes a lifetime to fulfill because his purpose for us is always bigger than who we are. We are called to discover our own purpose. Each of us has a God-given purpose which is grounded in love. We are called to live out our purpose. The world needs love. We are capable of authentic love.

I just want you to share my purpose in life. When I was a kid, I don’t know my real purpose in life. I only know that time is playing with my cousins and friends. I remember that time we play tumbang preso, patintero, hide and seek in outdoors. At the age of nine, my grandmother told me to serve in our church. I agree within because my time is wasted in watching television and surfing the internet. After that, I started to serve in our church as a member of choir and youth member in our parish. In that case, I already see my purpose in life. I’m grateful now because I am a servant of the Lord. Me as a child of Almighty God, always pray to him where ever I go. I always thank His guidance to my family and the blessing that we receive in everyday. I always say sorry for the sins that I made through words and actions. He always guides us! He always remains with us and in our hearts.

God reminds us that He loves us so much, that He only had greatness and perfection in mind when he created us. He created us for a reason. In fact, a special one. And in God’s perfect time, he will reveal our purpose. As we go through life, discovering who we really are, please remember that he is always with us. He knows everything about us. He mastered our hearts. We are so important to Him. He will not let You do things alone. He will journey with us as we discover our worth. He will heal all of our wounds. He will mend all our heartaches. He will remove all of our doubts. He will bring us peace and joy. He will give us courage. He will give us comfort. He will restore us over and over again as we continue discovering and accepting who we really are. He will be with us as we realize that we are made for greatness, we are made for love.

In His eyes, we are amazing and incredible; so full of potential. We have so much to offer. We are special to him. We are worth more than just happiness this world offers. We deserve so much more. God have made each of us worthy of his love, his perfect love. And when the world is telling us otherwise, remember we are God’s children, in his eyes, we matter!

Yaw ko na’ -King harry romero

WAITTTTTT! Bago mo muna panoorin yang video na yan. May sasabihin muna ko. 

Alam mo ba na lahat nang lumalabas sa bibig natin’y maaring makaapekto sa iba?Mga salita na hindi mo namamalayan nakakasakit kana pala,

Kaya minsan may mga taong nasasaktan dahil lamang sa mga iilan na salita.

Kaya palagi muna nating iisipin, ang mga salita na ating binibitawan para di tayo makasakit ng iba.

Katulad na lang nung video sa taas, sige tignan mo na.

“AMBISYOSANG BAKLA” NI JAMES RYBACK CONCHA

IMG_20181030_111833

Ang pangarap ay hindi basta madaling makuha kaagad. Ito ay nagsisimula sa iyong sarili upang makabuo ng isang pagpaplano sa buhay gaya na nga lang ng pagbuo ng inspirasyon at pagtitiyaga upang pagtibayin ng iyong sarili para sa huli ito ay iyong matutupad.

Sabi nga ng iba, Di madaling maabot ang pangarap, naniniwala ako doon! Tama sila dahil marami kang pagdadaanan at pagsubok sa buhay na kailangan mo harapin. Mahirap man isipin, ngunit nandito na tayo sa “realidad” ng ating buhay dahil susukatin tayo ng ating sariling pagiisip, tiyaga, sipag, pananampalataya, tiwala at pagmamahal. Sobrang napakadaling mangarap, di nga naman masamang mangarap dahil tayo ang bumubuo para sa ating sariling kaginhawaan at makahinga sa buhay.

Walang sumusuko sa mga taong nangangarap. Kahit gaano kahirap abutin basta gusto mong maisakatuparan ang lahat, gagawin mo ang sinisigaw ng iyong puso’t isipan. Kung pursigido kang abutin lahat lahat, pwes kumilos ka. Walang mangyayari sa taong tamad. Ang buhay ay maikli lang at ang layunin nating lahat ay maisakatuparan ang lahat ng ating plano sa ating buhay. Kung papaano mo aabutin, diskarte mo na lang. Ito ang aking buhay:

Ako si James Ryback Concha o kilala bilang Chantel Ashelei Concha isang baklang may pangarap sa buhay na isang araw ay magising na maiahon ko na ang aking pamilya sa kahirapan at matupad na ang lahat para sa akin at sa kanila. Lahat naman tayo ayan ang gusto sa buhay diba? Oo ayan ang sagot nyo pero kailangan nating gumising sa katotohanan na ikaw, ako, sila, tayo o kung sino man yan mababa man ang estado sa buhay o mataas dapat pa rin tayong mangarap ng mangarap isipin natin ito bilang inspirasyon para bumangon sa lahat ng humahadlang sayo katulad ko isa akong bakla na di pa rin tanggap ng ating lipunan hanggang ngayon nanghihingi pa rin ng respeto at pagmamahal sa ibang tao ngunit patuloy pa rin silang nanapak ng dignidad at reputasyon namin at tuloy pa rin ang diskriminasyon masakit man isipin ngunit ayan ang totoo.

Pero ibahin niyo ko, sa kabila ng puro pang-aasar, panlalait, pambubully nila sa amin ito ang nagpapaangat at nagpapatibay sa aming damdamin na lumaban sa buhay na wag isipin ang mga taong humahadlang sayo dahil nasa kanila ang karma sila ang gumagawa ng mali sa kapwa at ikaw ay nanghihingi lang naman ng respeto at pagmamahal at di pa kayang ibigay? Oo sabihin nyo na lahat sa amin salot sa lipunan? Bakla? Bading? Malandi? Pero pare-parehas lang tayong tao bat di nyo pa kami kaya tanggapin? Tanggapin nyo kami ganun lang kadali irespeto at mahalin ayun lamang ang hinihingi namin.

Kasalukuyang nasa Senior High School ako ngayon, simula pala mang bata ay nangarap na ako maging transgender maging isang tunay na babae pero nakadikit pa rin sa aming balat na kami ay lalaki pa rin pero ayun ang aking gusto! Tanggap mo ba? Nakikita mo ba ang dalawang larawan na nakapambabae ako? Ayun ang aking gusto.

Sa aking pag-aaral naman ngayon nakita nyo wala akong nakasabit na medal sa frame o walang sertipiko ngunit di ako dyan bumabase dahil kahit wala akong achievements na tatanggap ay laban pa rin ako fight fight lang dahil hindi naman sa talino nasusukat ang tao sa sipag, tiyaga, determinasyon mo sarili kung paano mo maipapasa ang lahat at paano mo ito gagawin. Ako aral lang, nag-aaral kasi ako para sa akin at sa mga magulang ko dahil sila mama at papa di nakapagtapos ng pag-aaral sila ay elementary graduate lamang, ito ako ngayon buhay at nangangako sa inyo na makakapag-aral ako ng masipag, may kaalaman at may tiwala sa sarili at sa diyos na hindi nya tayo papabayaan sa mga nangyayari ngayon. Masaya ako dahil andyan pa rin ang aking mga magulang sumusuporta sa lahat ng aking gagawin free na free ako tanggap nila ako kung sino man ako ngayon, sobrang masarap isipin na sinusuportahan ka nila ngayon at alam ko di nila ako bibiguin kahit mawala man sila sa aking tabi alam ko namang nagawa na nila ang misyon nila sa akin.

Pagkatapos ko sa kolehiyo at makagraduate diretso ako sa ibang bansa upang maitupad ang aking pangarap sa sarili na makapag “transgender” at ipagsisigawan ko sa buong mundo na “Ako si James Ryback Concha na kilala na ngayong Chantel nagbabalik dahil sa inyo ginawa kong inspirasyon lahat lahat.”

“Ambisyosang Bakla” man ngunit may ibubuga at mapapatunayan! Pangako yan at Peks man! And I Thank You.

 

Breathe by Camela Obongen

04988294-4F89-4CD8-87F3-A8DE1BAF6E63

(Photo is from Google)

Breathe deeply,

Until the both sides of your chest get numb.

Exhale more,

Until you feel like there’s nothing left inside you.

It’s okay if your breath gets short,

No one is blaming you.

You can make mistakes from time to time,

Eveyone else does too.

Your sigh,

Even though I won’t be able to understand its depth,

I will embrace you.

Even though your sigh may seem cheerless to others,

I know that your day was so difficult,

That it is hard for you to let out even a small sigh.

Don’t think of anything else,

Breathe deeply and exhale as you are.

4Aver by Aijem Rel Mejia

P_20170421_141933_HDRIsa sa highlights ng buhay natin ay ang magkaroon ng kaibigan. Kaibigan na mananatili sa tabi mo sa kahit anong takbo ng buhay. At alam kong may mga taong aloof na makipag-socialize, mga taong sadyang friendly, mga taong sasaksakin ka ng patalikod, at mga taong mananatili pagka’t tanggap nila nila kung sino ka.

Simulan  natin ang istorya. Di ko inakalang makakatagpo ako ng mga taong mananatili sa tabi ko through ups and down ng buhay ko. Ang maging parte sila ng buhay ko ay isang blessing mula sa Maykapal, pagka’t sa journey ng buhay mo ay kasa-kasama mo sila. Masasabi kong madami na kaming napagsamahan, mga halakhakang di malilimutan, mga tampuhang di maiiwasan ngunit sa kabila ng lahat ay patuloy tumatatag ang aming samahan. Tinawag nga pala naming “4A” ang aming pagka-kaibigang nabuo. Sa iba’t-ibang taon man naming natagpuan ang isa’t-isa ay nandoon padin yung baong mga kwento sa bawat ganap sa aming buhay. 4A stands for Aijem, Airyn, Aira, and Angela. It’s unexpected that we have a same first letter in our names. Ayon sa nabasa ko sa Internet, na pinamagatang  “8 Types Of Friends You Need To Have in Your Life”  may iba’t-ibang uri ka ng kaibigang matatagpuan sa buhay mo at kumuha lamang ako ng iilan dito. Una, A Loyal Best Friend – sila yung di ka iju-judge dahil sila yung nakaka-alam ng tunay na ikaw at tangap nila kung sino ka. Dalawa, A Fearless Adventurer – sila yung mahilig sa bagong adventure sa buhay, yung magdadala sayo sa iba’t-ibang lugar na pwede niyong madiscover, at dabest yung memories na mabubuo niyo. Tatlo,  A Wise Mentor – Jesse Jackson once said, “Never look down on someone unless you’re helping them up.” Sila yung nagi-inspire sayo sa ups and down ng buhay mo dahil nagbibigay sila sayo ng payo na magagamit mo sa buong buhay mo. Apat, A Brutally Honest Confidant – Sila yung straight to the point kung magsalita, kapag alam nila na kailangan mong makita yung reyalidad na di mo nakikita, sila ang mago-open sayo.

Sa buhay, ang magkaroon ng kaibigan ay isa sa pinakamasayang pangyayari sa buhay mo pagka’t sila din yung nalalabasan mo (bukod sa pamilya) ng mga problema, memories na di malilimutan, iyakan at katuwaan. Kaya’t kung nahanap mo na siya/sila, wag mo na pakawalan sa buhay mo.

 

“Always remember that even if you found a person which will not stay throughout your life, there will always be a true one who would stick in your life’s journey.” -Aijem

(from left to right, Angela, Airyn, Aijem, Aira)P_20170421_141914_HDR

Kulay ng Buhay By John Russell M. Vergara

COLORS

Buhay ay mahahalintulad sa kulay, dahil nagiging simbolo ito ng isang tao.  Kung sino siya at ano sa mundong ito.  Kaya masasabi na may kulay ang isang tao.

Linggid sa ating kaalaman ay naipakikita natin kung sino tayo.

Tulad ng pagsuot ng damit na kulay puti, nangangahulugang ikaw ay mabuti at malinis.

Maging sa pagpipinta ng mga artist, kung ipinipinta nila ang kanilang saloobin, kulay itim ang gamit nila indikasyon na may suliranin at dinaramdam sila.  May Kaugnayan ba ito sa ating buhay?  Ano nga ba ang kahulugan nila sa mga kulay?

Ang berde na nangangahulugang ng pag-unlad.  Kahel na sinasabing may kababawan ka.  Asul, tapat at marangal.  Kung ikaw ay masigla at determinado hindi nakapagtataka na ika’y pula.

May kahulugan man o wala ang mga kulay maari ring ito’y iyong maging simbolo.  Totoo man o hindi sa kulay, pag-uugali, kagustuhan at damdamin ng isang tao.

Kulay na makulay sa buhay, may dalang saya sa nalulumbay.